Saturday, December 31, 2011

HITS AND MISS OPM MUSIC VIDEOS OF 2011!

Bago magpalit ng taon, gusto kong ipost ang ilan sa mga opm music videos na sumikat at tumatak ngayong 2011. Ang iba dito ay personal choice ko dahil gusto kong 'ipalaganap' ang musika ng naturang artist.Tsek nyo!! =)


 GLOC 9- UPUAN (featuring JEAZELL GRUTAS) isa si Gloc 9 ang nagreleased ng maraming music videos ngayong taon collaborating other artists. Pero ito ang pinakafavorite ko dahil sa tema nitong filipino patriotism!!! Saludo ko sa 'yo Gloc 9!...di lng s tempo ng pyesa mo kundi pati din sa simple pero malalim n nilalaman nito....MABUHAY!



 PAROKYA NI EDGAR- PANGARAP LANG KITA (feat. HAPPY SY) eto ang bagong "Haarana" ng banda!...Galiing!!!



YOUNG JV- KAIBIGAN LANG  this is pure pinoy pop!...dito pinatunayan ni JV na hindi lang sya pang hardcore hip hop, pwede rin sya sa ibang musical style ala Chris Brown na pantapat sa mga chakang kpop na yan!!!


FRANCO- SONG FOR THE SUSPECT this song makes you close your eyes and just enjoy the music! Astig ang mga myembro ng bandang ito na sina nito na sina Franco Reyes (of InYo) on vocals, Gabby Alipe (of Urbandub) on guitar, Paolo "8" Toleran (of Queso) on guitar, Buwi Meneses (of Parokya ni Edgar) on bass guitar, and JanJan Mendoza (of Urbandub) on drums.


KISS JANE- LAGI napaka-effortless ang video pero anlakas ng dating dahil na rin sa vocalist nilang si Jacqui!...right now this is my fovorite "falling in love" song!. ♥


SALAMIN- PRODIGAL Paolo Valenciano's band is really impressive!...Superb talaga ang talent ng mga anak ni Mr. Pure Energy!


GENERAL LUNA- TILA the ultimate all female pinoy rock band!...keep up your heads ladies! Ang gagaling ninyo!!

Friday, December 23, 2011

LETTER DAY STORY: SAVE ME

After a very successful debut album "SAMA SAMA" in 2010, the guys of LETTER DAY STORY are back with a new set of songs featured in their new EP, BREAKAWAY released under Sony Music Entertainment Philippines. The first single "Save Me" reminds me of a Jars Of Clay track na parang worship/gospel song ang dating! Sa unang dinig, akala mo foreign song pero OPM pala! Love it!!!


LETTER DAY STORY is comprised of Aldrick ‘Dex’ Yu (vocals), John Oliver ‘Oli’ Agustin (bass), Chrisanthony ‘Not’ Vinzons (guitars), and Emil Joseph ‘Ej’ Arabit (drums). You can follow them thru FACEBOOK and MYSPACE.

KLASSIK OPM #04: PASKO NA SINTA KO

Tunay na klasikong musikang pinoy, pakinggan ang PASKO NA SINTA KO na unang inirekord ni Mr. Pure Energy GARY VALENCIANO noong 1986.


Pasko na sinta ko hanap-hanap kita
Bakit magtatampo iniwan ako

Kung mawawala ka sa piling ko sinta

Paano ang Pasko, inulila mo

Sayang sinta ang sinumpaan

At pagtitinginang tunay
Nais mo bang kalimutang ganap
Ang ating suyuan at galak
 
Kung mawawala ka sa piling ko sinta
Paano ang Paskong alay ko sa'yo

Sayang sinta ang sinumpaan

At pagtitinginang tunay
Nais mo bang kalimutang ganap
Ang ating suyuan at galak

Kung mawawala ka sa piling ko sinta

Paano ang paskong alay ko sa'yo

Thursday, December 22, 2011

KYLA: MAHAL KITA (DI MO PANSIN)

Watch KYLA's music video "Mahal Kita (Di Mo Pansin)", a cut from her 8th studio album "Private Affair" under Polyeast records. This sounds like Jackson 5's "Never Can Say Goodbye" with a jazzy fusion rolled with a Filipino vibe twist, ang galing!

...nanalo rin pala dito si Kyla ng Best Performance By A Female Recording Artist sa katatapos na 24th Awit Awards ngayong taon.Congratz!! =)

Tuesday, December 20, 2011

KARYLLE: BASICALLY

Love love this new song of  Karylle! So cool, nakakawala ng stress, seems life is so easy! Nice one Karylle!! =)

__________________________________________________________________________________________

Monday, December 19, 2011

WATCH: LOONIE's FROM SAUDI WTIH LOVE

Sa totoo lang hindi ko feel ang fliptop pero nang mapanood ko ang "From Saudi With Love" music video ng kilalang fliptop champion na si LOONIE, bigla kong naappreciate ang ganitong genre. At bigla ring nag-iba ang paningin ko kay LOONIE ha? Ang Galiing!!! 

Although may pagka-Gloc 9 ang dating, ayos na rin dahil very catchy ang kanta at may istorya na obviously tungkol sa dinadanas na hirap ng ating mga OFW. Okey din ang boses nung girl at ang video na to na dinirek ni Paulo Abella- Astiig!!


Wish ko lang na ito ang magdadala kay Loonie sa mainstream, kasi deserved din nyang makilala talaga hindi lang sa Youtube. =O
_________________________________________________________________

SLAPSHOCK's new single 'NGAYON NA'

One of my favorite opm rock band SLAPSHOCK released a new music video titled "Ngayon Na", the carrier single from their latest album "Kinse Kalibre". As always- ang luupeeet!!! Here's the video and tell us what you think.


Slapshock is Jamir Garcia on vocals, Lean Ansing on guitars, Chi Evora on drums, Lee Nadela on bass, and Jerry Basco on guitars.
_________________________________________________________________

Tuesday, December 13, 2011

NGAYONG PASKO ni Angeline Quinto

Panoorin ang pinakabagong music video ng Star Power champion ANGELINE QUINTO na pinamagatang "Ngayong Pasko", kung saan kasama nya ang acoustic heartthrob Sam Milby bilang leading man!!

Iba talaga pag suportado ka ng KAPAMILYA, makakatrabaho mo ang magagaling nilang actor tulad nga ni Sam Milby at Coco Martin (leading man ni Angeline sa kanyang debut film). Kaya't di na ko magtataka na ang susunod na nyang makatrabaho ay si John Llod Cruz or Gerald Anderson! I'm very sure sa taong 2012, lalong magniningning ang isang Angeline Quinto!...Wanna bet? =)

Friday, December 9, 2011

UNA-KAYA by Pinikpikan

Naisip ko lang ipost ang kantang dahil napanood ko ito kanina sa "Showtime" kung saan isinayaw ito ng isang grupong contestant at nanalo naman sila!...I really love this song of PINIKPIKAN. They really make me jump up and dance! Talaga namang very captivating ang kanta at masasabi kong ito ang klase ng pinoy musika na pang-World music ang dating!!

In case you wonder kung ano ang ibig sabihin ng word na "Una-kaya", its a visayan language . . it means UNA= FIRST then KAYA= Able can do .=)

Wednesday, December 7, 2011

DIAMOND RECORD AWARDEE: SPONGE COLA


Noong linggo sa Asap Rocks, tumanggap ng Diamond Record Award ang bandang SPONGE COLA para sa kanilang Tambay EP. Napakaespesyal ang award na ito dahil bukod sa dapat ang isang rekord ay makabenta ng 150,000 t0 200,000 copies na nareach naman ng naturang album, e tuluyan ng napabilang ang SPONGE COLA sa elite list ng opm artists na nauna nang nagawaran ng Diamond Record Award, gaya nina Jose Mari Chan para sa kanyang 'Constant Change' album, Eraserheads' 'Cutterpillow' at soul siren Nina sa kanyang 'Nina Live' album.

Bilang panatiko ng opm, nakatutuwang isipin na sa panahon ngayon na medyo naghihingalo ang industriya ng musikang pinoy ay may mga album pa na nakakapagbenta ng ganung karaming kopya. Kaya't sa bandang SPONGE COLA- mabuhay ka at nawa'y ipagpatuloy ang paggawa ng de kalidad at orihinal na kantang pinoy. At sana'y ito na rin ang maging hudyat ng pagbabalik sigla ng OPM industry.



____________________________________________________________________________________

Friday, December 2, 2011

Huwag Kaligtaan: KALIGTA

Recently ko lang nadiskubre ang bandang KALIGTA, ang grupong binubuo nina Michael Artita -lead vocals and guitar, Arnold Artita- lead guitar, Sherman Tupas- bass/vocals at John Michael Dino- drums. Nakuha ang pangalan ng banda sa pinaikling salitang 'kaligtasan' dahil na rin sa layunin nilang "iligtas" ang mga kabataang naliligaw ng landas sa pamamagitan ng kanilang musika.Base sa kanilang music videos sa ibaba, ang KALIGTA ay isa sa most promising band ngayon sa local music scene.


...Very inspiring at super catchy ang ballad na ito na tamang-tama lang bilang unang pagkakilanlan ng isang baguhang banda.


..."wag kang matakot na ako ay mahalin, bakit di mo subukin ang tunay kong damdamin? sana'y akin ka,ka-ibigan"...favorite line ko yan sa kantang ito! Astiiig!!!

Visit their FACEBOOK page here. =)

Friday, November 25, 2011

THE CHONGKEYS: GABI NG LAGIM

Pinaghalo-halong rap, reggae at alternative rock naman ang tunog ng bandang THE CHONGKEYS. Nung una kong mapanood ang music video nilang "GABI NG LAGIM", dalawang salita lang ang lumabas sa bunganga ko kundi- WOW! at ang galiing!!...I wonder kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa sila sikat sa buong Pinas? Come on guys, kung nagustuhan ninyo ang ibang opm artists na wala ng ginawa kundi magrevive ng mga kanta pero waley naman, at least ang bandang ito ay orig at astig! =)


THE CHONGKEYS WEBSITE CLICK HERE.

Sunday, November 20, 2011

ELMO MAGALONA: 3 STARS AND THE SUN

Check out this hot blazing debut single of ELMO MAGALONA titled "3 Stars And The Sun" which is making a great wave to revive the dying Hip Hop music scene in Philippines.

The song is an obvious tribute to Elmo’s dad, the late rap artist Francis M., whose 1995 song “Three Stars & a Sun” was one of his bigger hits. It also features the vocals of Kris Lawrence, Jay-R and Billy Crawford.


...now this song needs a cool and bad ass music video!!!

Friday, November 18, 2011

PARALUMAN: KAPITAN

First time kong marinig ang bandang PARALUMAN at ang kanta nilang "KAPITAN". Ang bokalista nilang si Madeline Ramboyong- her voice reminds me of Barbie Almalbis!!...Astig ang video na 'to dahil bukod sa maganda ang concept, star-studded pa! Panoorin para malaman kung sinu-sino sila!

Wednesday, November 16, 2011

KLASSIK OPM #03: YOUR LOVE by ALAMID

Isa sa all-time favorite kong OPM love song ay ang "YOUR LOVE" ng bandang ALAMID. Napaka-heartfelt ang pagkakasulat ng lyrics. Napakaswerte naman talaga ang taong pag-aalayan mo ng kantang 'to!

I stilll remember before that I never ended my day without playing this song in my guitar. This was hell of a song! GREAT SONG... GREAT BAND!!!

TRICIA GARCIA: TABING ILOG

Here's a newcomer in the OPM music scene TRICIA GARCIA and her awesome rendition of Barbie's Cradle 2000 hit, "Tabing Ilog":

...Impressed ako na kahit revival ang kanta, naging very refreshing ang dating dahil sa jazzy style nya. And her voice?--sound's magical! Great job, Tricia!!! =)

Monday, November 14, 2011

GOOD DAY SKABECHE!!!



Ibang klaseng tugtugan naman ang hatid ng bandang SKABECHE, isa sa mangila-ngilang pinoy artists na ska/r
eggae ang genre. Noong 2010, nailabas ang kanilang unang album na may titulong 'TABLE FOR TEN' kung saan ang napagbentahan nito ay napunta sa Earnest Support for Underprivileged Children (E-SUCH), isang non-government organization na nagbibigay tulong sa mga underprivileged kids para sa kanilang pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, damit at edukasyon.

At mula sa naturang album, panoorin ang latest music video nilang "Good Day"...Lakas ng dalang good vibes ng kantang ito! Superlike!!!

HILERA - WHO'S GONNA SAVE US NOW?


Can't get enough of this song by the band HILERA. Great video with great message! Astiiig! Pinaka-favorite ko 'to sa album nilang Kid In A Coma.

When all the papers lie
some people die
some people fight
and some people cry
is love such a crime
its been a long long time
i heard them testify
for a single dime.

Who’s gonna save us now?
it’s been a lonely road.

When all is said and done
still you hold this gun
you never learned to run
oh just let them come
so we stand our ground
we’re never backing down
and when you hear the sound
there’ll be bodies all around.

So wake me up before its over
I wanna see it all in color
waiting till they give the order
say they’ll do someday

TO FOLLOW THIS AWESOME BAND HILERA, VISIT THEIR OFFICIAL WEBSITE HERE!! =)

Saturday, November 12, 2011

KAMIKAZEE: HALIK

One of OPM's hottest rock bands KAMIKAZEE releases a brand new album titled "Romantico". “Kaya 'Romantico' yung title ng album, sinubukan naming love song lahat ng mga kanta du’n,” according to singer Jay Contreras. “Para siyang kuwento ng mga taong, umibig, umiibig, iniwan, nasaktan, at umibig ulit.”
And here's the music video of the carrier single "HALIK" which features actress Kaye Abad.

NEY DIMACULANGAN: LIGAW

Former band vocalist of 6CycleMind, NEY DIMACULANGAN takes a leap in his career as he goes solo. He is now a solo artist under Star Records. And just recently, the music video for his song 'LIGAW' has been released. This track is Ney Dimaculangan’s carrier single from his self-titled debut album.

LIGAW

Sa paglipas ng panahon
ginawa ang makakaya ko
Unti-unting gumaan ang buhay
ngunit sa isang saglit ay naglaho

Chorus:
Bigla na lang nawawala
hindi ko na maunawaan pa
nilalayo ako sa’king isip
Pikit-matang nangangapa
hanggang ngayo’y wala pa ring magawa
nilalaro ang aking isip

Nang dumating ka sa buhay ko
nagbitaw ka ng mga pangako
Hindi naman sinisisi ngunit
wala naman nagkatotoo

Chorus:
Bigla na lang nawawala
hindi ko na maunawaan pa
nilalayo ako sa’king isip
Pikit-matang nangangapa
hanggang ngayo’y wala pa ring magawa
nilalaro ang aking isip

[Instrumental]

Naghahanap ka ng daan
ngunit walang mapatunguhan
Nag-iisip, pinipilit, gumagawa ng paraan
Unti-unting nagagalit,
hanggang ngayo’y nagigipit
Hanggang saan, hanggang kailan
ko makakaya ang ganyan?

Chorus:
Bigla na lang nawawala
hindi ko na maunawaan pa
nilalayo ako sa’king isip
Pikit-matang nangangapa
hanggang ngayo’y wala pa ring magawa
nilalaro ang aking isip

Bigla na lang nawawala
hindi ko na maunawaan pa
Pikit-matang nangangapa
hanggang ngayo’y wala pa rin magawa



NOEL CABANGON: PANAGINIP

One of the Philippines' most respected singer-songwriters around today, NOEL CABANGON is back with a brand new song titled "Panaginip", which also the title of his latest album under Universal Records. Why “Panaginip” as the album title? “Dahil lahat ng kanta ay nagmumula sa imahinasyon. Ang mga awit ay tula, ang mga tula ay awit. Ang mga awit ay likha ng malayang panaginip. Ang panaginip ay likha ng malayang isip,” says Cabangon.
With the new album, Noel Cabangon is once again ready to sing about us and his dreams for all of us. Watch the video below:

Friday, November 11, 2011

KLASSIK OPM #02: ANAK NG PASIG by SMOKEY MOUNTAIN

Mula sa panulat at komposisyon ng batikang si RYAN CAYABYAB, ang kantang "ANAK NG PASIG" ay pinasikat ng grupong SMOKEY MOUNTAIN. Ito ang grupong kinabibilangan noon at kung saan una nating nasilayan sina Geneva Cruz, Tony Lambino at Jeffrey Hidalgo bago pa sila magsolo bilang recording star.

Naging instant hit ang kantang ito dahil sa hatid nitong mensahe na irevive ang sarili nating bersyon ng Dead Sea, ang Pasig River. Ito rin ang naging daan para itatag ni dating Unang Ginang Ming Ramos ang Piso Para Sa Pasig (PPP) upang manghikayat sa mga tao na makiisa sa pagtulong at pagsagip sa pamamagitan ng pagbigay ng kahit anong halaga sa abot nilang makakaya. And the rest is history ika nga, dahil noong 1999, naisilang ang Pasig River Rehabilitation Center (PRRC) na may vision na ipagpatuloy ang proyektong nasimulan ng PPP.

Ang 'Anak Ng Pasig' ay naging Song Of The Year sa Aliw Awards noong 1993.

Thursday, November 10, 2011

CHRISTIAN BAUTISTA: ALL THAT'S LEFT

Sinong may sabi na di marunong sumayaw si CHRISTIAN BAUTISTA? Well tsek nyo na lang kung paano siya humataw sa latest music video nyang "All That's Left" mula sa first international album nyang 'OUTBOUND'.

...of all the music videos of christian bautista, this one is my favorite..Maybe because of alodia's appearance?...how cute are they to be together! =)

"ur eyes take me off to a special space" <------ love this! :)

Wednesday, November 9, 2011

SIAKOL: GAWING LANGIT ANG MUNDO

Hanggang ngayong exposed na ko sa sanda-makmak na bandang lokal at banyaga, nanatiling isa sa mga paborito ko ang bandang 'to. Sa musikang aking kinamulatan at kinalakhan, tara mga 'dre GAWIN NATING LANGIT ANG MUNDO. Peace!


Hindi nila naririnig hinanaing sa barung-barong
Dahil palasyo nilay may matibay na bubong
Hindi nila naririnig mga kumakalam na tyan
Hindi tulad nila ng mesa nilang parang laging may handaan
Ikaw ba? Naririnig mo ba sila ikaw ba?

Chorus
Gawin langit ang mundo makakaya natin to
Sa simula ikaw at ako tapos sila
Hanggang maging lahat na tayo
Oh kay gandang masdan sa bawat taong
Nagugutom at nahihirapan meron kang
Matutulungan gawing langit ang mundo

Wala silang pakiramdam sa nangyayaring kaguluhan
Basta mabulsa lang nila ang kaban ng ating bayan
Wala silang pakiramdam magkaroon man ng digmaan
Kapangyarihan na nilang gawin tayong tao-tauhan
Ikaw ba? Nadarama mo ba ito ikaw ba?

(repeat Chorus)

Habang maaga pa kahit man lang
sa kapakanan ng iba ng mga bata’ng maglalakihan makikinabang sa ating maiiwanan na pagmamahalan

(repeat chorus)




WATCH: KARYLLE AND SOLENN HEUSSAFF's SEXY MUSIC VIDEOS

A few months ago, 'The Kitchen Musical' star KARYLLE released a very sexy and ala-Kesha music video called "OMG", the first track off of 'ROADTRIP'- her fourth studio album.

...this song really rocks! I mean napasayaw talaga ako dito at super HAVEY si Karylle dito as sexy pop star!!!

Model/Actress turned singer SOLENN HEUSSAFF recorded her self titled debut album under MCA Music Philippines along with this super hot hot video "FIRE".

...Solenn has the Jennifer Lopez vibes. Kung mapromote lang to ng todo and with the right material para sa kanya, she can be BIG in the music scene, =)

Monday, November 7, 2011

PAROKYA NI EDGAR: ONE HIT COMBO (featuring GLOC 9)

Dalawa sa paborito kong opm artists ang PAROKYA NI EDGAR at pinoy rapper GLOC 9 ay nagsama sa isang kanta na pinamagatang "One Hit Combo". At hulaan nyo kung sino ang kasama nila sa music video- walang iba kundi ang tv host/actress Paulen Luna! Panoorin ang clip sa ibaba:

...very catchy song. The best COMBO talaga!! =)

Sunday, November 6, 2011

KLASSIK OPM #01: HIMIG NATIN

Ang KLASSIK OPM ay isang featured post sa OPM IDOLS. Ito ay para sa 'oldies but goodies' na mga orihinal na musikang pinoy. Kahit lumipas man ng panahon, ang mga awiting ito y nananatiling nasa kaisipan ng bawat Pilipino. Tsek nyo!! =)

At para sa unang entry, narito ang isang awitin mula sa bandang nag inspire sa mga pinoy rock at buong pinoy music noong dekada 70, tumayo laban sa mga foreign songs para maglabasan ang galing ng talento ng pinoy sa musika at iba pa- ang JUAN DE LA CRUZ BAND at ang kanilang tunay na klasikong kantang pinoy, ang "HIMIG NATIN".

Saturday, November 5, 2011

SAM CONCEPCION: FOREVER YOUNG

Watch teen heartthrob SAM CONCEPCION's music video for his newest single "Forever Young", taken from his new CD of the same title. This track is a revival of the 1984 hit by German band Alphaville.





Thursday, November 3, 2011

CHRISTIAN BAUTISTA released his 1st Int'l album "OUTBOUND"

Pang-international level na talaga si CHRISTIAN BAUTISTA. Pagkatapos ng kanyang Indonesian movie na "A Special Symphony", "The Kitchen Musical" tv series na napapanood sa ilang bansa sa Asya ngayon, heto't lumabas na rin ang kanyang unang int'l album na OUTBOUND under Universal Records. Kakaibang musical style ang ginawa ni Christian sa album na ito dahil nagpaka-fast beat at groovy siya dito, malayong-malayo sa nakasanayan nating ballads/love songs na kinakanta nya.

Sa unang single na "ALL THAT'S LEFT", para kang nakikinig sa isang Gary Valenciano na nilapatan ng boses ni Christian which is great dahil napakarefreshing ang dating at talaga namang mapapasayaw ka sa kantang ito.


Sa music videong ito na "SAKURA", nakipagduet sya sa top Japanese artist named Baby M
.

LIEZL CASTRO: DI KO KAYANG LIMUTIN

Watch LIEZL GARCIA's music video of her single "Di Ko Kayang Limutin" which features real life boyfriend Bugoy Drilon.

This is one of the tracks of the former Pinoy Dream Academy (PDA) scholar's digital album which also consists of the theme song ABS-CBN primetime Korenovela "Pure Love" "Gisingin Ang Puso" and three other tracks. The said tracks are available for download at the Star Records website. =O

Tuesday, November 1, 2011

ANNE CURTIS: TINAMAAN AKO

Here's ANNE CURTIS' original song 'Tinamaan Ako', from her successful debut album ANNEBISYOSA. Listen at your own risk.

The album attributes her personal favorite songs along with a duet with Sarah Geronimo, released under Viva Records. =)

Sunday, October 30, 2011

ERIK SANTOS: KULANG AKO KUNG WALA KA

From the platinum recording artist who brought us his soulful rendition of the OPM classics such as “May Bukas Pa” and “Lupa”, here is ERIK SANTOS latest music video "Kulang Ako Kung Wala Ka" from his newest album, "AWIT PARA SA 'YO" (Star Records).

We need more original song from the Prince of Pop- like this one! Deep lyrics + nice melody = Great song!!! =)

Saturday, October 29, 2011

RACHELLE ANN GO: MASASABI MO BA

Watch RACHELLE ANN GO as she sings her heart out in her new music video, Masasabi Mo Ba...This is the carrier single from her sixth album "Unbreakable"under Viva Records.

Unbreakable album is available in your favorite record bars and on iTunes. Grab one now!

BBS: WALA NA TAYO (feat. KEAN CIPRIANO)

Check out the acoustic version of 'Wala Na Tayo' by BBS featuring KEAN CIPRIANO. Mas feel ko ang version na ito. Damang-dama ko ang lyrics!!!

Friday, October 28, 2011

THE LAMARS: KUNG PWEDE LANG

Mula sa magkapatid na DJ and Micah Lamars na mas kilala bilang THE LAMARS, pakinggan at panoorin ang video ng kanilang kantang "Kung Pwede Lang", from the EP of the same title under MCA Music.

Napakarefreshing ang tunog at dating nila! With a right promotion sa kanilang album im pretty sure na malayo ang mararating ng sibling na ito! =)

YENG CONSTANTINO: PANIWALAAN MO

Music Video by Yeng Constantino performing Paniwalaan Mo from her new album, "Yeng Versions LIve" under Star Records.

Yeng Versions Live out now in all leading record bars nationwide.

Thursday, October 27, 2011

EBE DANCEL: MULI

Singer-Songwriter & Hitmaker, who gave you songs like "Kwarto," "Tulog Na," "Mariposa," "Hari ng Sablay" and more embarks on a solo career. I'm talking about former Sugarfree vocalist, EBE DANCEL.

This track "MULI" is the first single from his first solo album titled DALAWANG MUKHA NG PAG-IBIG under WarnerMusic Philippines.

Wednesday, October 26, 2011

SARAH GERONIMO: KUNG SIYA ANG MAHAL

Mula sa panulat at komposisyon ni Vehnee Saturno, panoorin at pakinggan ang pinakabagong music video ni Pop Princess SARAH GERONIMO na may pamagat na 'Kung Siya Ang Mahal'...

She is a TRULY ARTIST in our generation! Kahit maraming baguhang singers na nagsusulputan still SARAH REIGN! Keep it up Sarah!!! =)

MALDITA: PURQUE

Isa sa mga sumikat na opm band ngayong 2011 ay ang MALDITA at ang chavacano/tagalog song nilang "Purque"...Lahat sila ay mga estudyante mula Zamboanga na pinangungunahan ni Demz Espinosa bilang vokalista. Ang debut album nila na may pamagit ding PURQUE ay exclusively distributed ng Viva Records.

Monday, October 24, 2011

ZIA QUIZON: AKO NA LANG


Napaka-cool ang kantang 'to ng uprising recording artist na si ZIA QUIZON. Love her musical style na pinaghalong Colbie Caillat at Adele, ibang-iba sa mommy nyang si Ms. Zsa Zsa Padilla...Zia is my favorite new artist to date!! =)

Friday, October 21, 2011

PALONG- PALO SI VICE GANDA!!!

Panoorin ang mala-Kylie Minogue na music video ng 'PALONG PALO' ni Vice Ganda. Ikaw na nga Vice...ang ultimate Reyna ng UNKABOGABLE!!! =)

BAMBOO MANALAC'S NEW SONG 2011!!!!


Check out BAMBOO's new single "Questions" from his first solo album No Water, No Moon!...This is extremely fantastic!


Gosh I really miss him!...Forever fan here!!! =)
_____________________________________________________________________

Thursday, October 20, 2011

SPONGE COLA: KAY TAGAL KITANG HININTAY


Panoorin ang pinakabagong music video ng bandang SPONGE COLA na "Kay Tagal Kitang Hinintay"...Very catchy ang song at ang ganda ng video concept na kinunan pa sa iba't-ibang lugar sa Negros Occidental.


Eto ang carrier single sa kalalabas nilang bagong album na ARAW ORAS TAGPUAN mabibili na sa paborito nyong rekord bars!! =)

____________________________________________________________________________________

Wednesday, October 19, 2011

ANGELINE QUINTO: THE NEXT BIG THING!

Pagkatapos manalo bilang New Female Recording Artist sa katatapos na 3rd PMPC Music Awards, hindi na nga mapipigilan ang patuloy na pagsikat ng Star Power grand winner na si ANGELINE QUINTO...Sa patuloy na pagbenta ng kanyang self-titled debut album, series of concerts sa loob at labas ng bansa, product endorsements at upcoming movie with no less than Coco Martin, masasabing si Angeline na nga ang susunod na Big Star sa local showbizlandia!!

Sa ibaba ang music video ng 'Patuloy Ang Pangarap'- ang unang kantang nagpasikat sa kanya at nanalo ring Song Of The Year sa PMPC Music Awards.



___________________________________________________________________________________________________

Tuesday, October 18, 2011

MEGA ACTORS NA SINGERS DIN!!!


Sa totoo lang, hindi ko pa rin matanggap na mga mang-aawit pala ang mga artistang sina Sam Milby, Jericho Rosales at Piolo Pascual. Of course kilala natin sila bilang mahuhusay na aktor sa ating bansa at di ko rin sinasabi na wala silang karapatang maging singer ha?...kaya lang AKO bilang isang MUSIC LOVER to the max, may konting hesitation on my part na yakapin sila bilang isang recording artist. Kumbaga sa Hollywood, ang hirap na ang isang Leonardo DiCaprio or Robert Pattinson or Brad Pitt ay maririnig ang mga boses na kumakanta sa radyo!...Personal opinyon ko po lamang ito at maaring magkaiba ang ating kaisipan tungkol dito.


But in fairness to the three, ni-youtube ko ang kanilang music videos at nagresearch ng facts tungkol sa kani-kanilang music career aba e may sinasavey naman pala sila!!..:)

SAM MILBY
From being a PBB Housemate noong 2005, malayo na nga ang narating ng Fil-American native ng Ohio, USA. Nakapagrekord na siya three albums all under Star Records. His latest 'Be Mine' features the carrier single 'Hindi Kita IIwan'...


This is a great material for Sam. Rock ballads ang kanta which is bagay sa timbre ng boses niya. Kung sa international standard, gusto kong magpaka-John Mayer or Matt Nathanson siya. =)

JERICHO ROSALES
Passion talaga nya ang pagkanta kaya bumuo sya noon ng bandang Jeans. After that, nagkaroon sya ng solong album under EMI Philippines at nanalo pa bilang Most Promising Male Singer sa Guillermo Mendoza Memorial Award noong 2010, o di ba bongga? Sa teleseryeng "Green Rose", muling pinatunayan ni Echo na hindi lang siya pang movie screen idol, pang recording star pa siya!!!



PIOLO PASCUAL
Hindi mo na rin matatawaran si Papa P bilang isang mang-aawit. Can you believe it-may pitong album na pala siya all released by Star Records!...His latest 'Decades II' features this beautiful ballad originally performed by the Southern Strokes.



_______________________________________________________________________________________________

SOMEDAYDREAM: HEY DAYDREAMER (ACOUSTIC)


One of my favorite pinoy song to date! Kala mo nakikinig ka sa isang banyagang kanta pero opm pala! SOMEDAYDREAM?- astiiiig!!!!



_________________________________________________________________________________________

Monday, October 17, 2011

CHAMP LUI PIO: SARI-SARING KUWENTO


Former HALE vocalist Champ Lui Pio has a new music video called 'Sari-saring Kuwento'. This track is Champ's second single from his first solo album Synergy under Polyeast records. It also includes back up vocals from Gloc 9 and Noel Cabangun.



_____________________________________________________________________________________________

Saturday, October 15, 2011

JED MADELA: BREATHE AGAIN


JED MADELA released his latest single Breathe Again from his newest album of the same name. Watch the music video below which features a sexy/kissing scenes with actress Denise Laurel.



Jed will headline a special concert "Beyond Expectations" this November 26 at the Cultural Center of the Philippines with Ballet Manila, Gary Valenciano and Martin Nievera.

____________________________________________________________________________


Friday, October 14, 2011