Wednesday, December 7, 2011

DIAMOND RECORD AWARDEE: SPONGE COLA


Noong linggo sa Asap Rocks, tumanggap ng Diamond Record Award ang bandang SPONGE COLA para sa kanilang Tambay EP. Napakaespesyal ang award na ito dahil bukod sa dapat ang isang rekord ay makabenta ng 150,000 t0 200,000 copies na nareach naman ng naturang album, e tuluyan ng napabilang ang SPONGE COLA sa elite list ng opm artists na nauna nang nagawaran ng Diamond Record Award, gaya nina Jose Mari Chan para sa kanyang 'Constant Change' album, Eraserheads' 'Cutterpillow' at soul siren Nina sa kanyang 'Nina Live' album.

Bilang panatiko ng opm, nakatutuwang isipin na sa panahon ngayon na medyo naghihingalo ang industriya ng musikang pinoy ay may mga album pa na nakakapagbenta ng ganung karaming kopya. Kaya't sa bandang SPONGE COLA- mabuhay ka at nawa'y ipagpatuloy ang paggawa ng de kalidad at orihinal na kantang pinoy. At sana'y ito na rin ang maging hudyat ng pagbabalik sigla ng OPM industry.



____________________________________________________________________________________

No comments:

Post a Comment