Friday, November 11, 2011

KLASSIK OPM #02: ANAK NG PASIG by SMOKEY MOUNTAIN

Mula sa panulat at komposisyon ng batikang si RYAN CAYABYAB, ang kantang "ANAK NG PASIG" ay pinasikat ng grupong SMOKEY MOUNTAIN. Ito ang grupong kinabibilangan noon at kung saan una nating nasilayan sina Geneva Cruz, Tony Lambino at Jeffrey Hidalgo bago pa sila magsolo bilang recording star.

Naging instant hit ang kantang ito dahil sa hatid nitong mensahe na irevive ang sarili nating bersyon ng Dead Sea, ang Pasig River. Ito rin ang naging daan para itatag ni dating Unang Ginang Ming Ramos ang Piso Para Sa Pasig (PPP) upang manghikayat sa mga tao na makiisa sa pagtulong at pagsagip sa pamamagitan ng pagbigay ng kahit anong halaga sa abot nilang makakaya. And the rest is history ika nga, dahil noong 1999, naisilang ang Pasig River Rehabilitation Center (PRRC) na may vision na ipagpatuloy ang proyektong nasimulan ng PPP.

Ang 'Anak Ng Pasig' ay naging Song Of The Year sa Aliw Awards noong 1993.

No comments:

Post a Comment