Friday, November 25, 2011

THE CHONGKEYS: GABI NG LAGIM

Pinaghalo-halong rap, reggae at alternative rock naman ang tunog ng bandang THE CHONGKEYS. Nung una kong mapanood ang music video nilang "GABI NG LAGIM", dalawang salita lang ang lumabas sa bunganga ko kundi- WOW! at ang galiing!!...I wonder kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa sila sikat sa buong Pinas? Come on guys, kung nagustuhan ninyo ang ibang opm artists na wala ng ginawa kundi magrevive ng mga kanta pero waley naman, at least ang bandang ito ay orig at astig! =)


THE CHONGKEYS WEBSITE CLICK HERE.

Sunday, November 20, 2011

ELMO MAGALONA: 3 STARS AND THE SUN

Check out this hot blazing debut single of ELMO MAGALONA titled "3 Stars And The Sun" which is making a great wave to revive the dying Hip Hop music scene in Philippines.

The song is an obvious tribute to Elmo’s dad, the late rap artist Francis M., whose 1995 song “Three Stars & a Sun” was one of his bigger hits. It also features the vocals of Kris Lawrence, Jay-R and Billy Crawford.


...now this song needs a cool and bad ass music video!!!

Friday, November 18, 2011

PARALUMAN: KAPITAN

First time kong marinig ang bandang PARALUMAN at ang kanta nilang "KAPITAN". Ang bokalista nilang si Madeline Ramboyong- her voice reminds me of Barbie Almalbis!!...Astig ang video na 'to dahil bukod sa maganda ang concept, star-studded pa! Panoorin para malaman kung sinu-sino sila!

Wednesday, November 16, 2011

KLASSIK OPM #03: YOUR LOVE by ALAMID

Isa sa all-time favorite kong OPM love song ay ang "YOUR LOVE" ng bandang ALAMID. Napaka-heartfelt ang pagkakasulat ng lyrics. Napakaswerte naman talaga ang taong pag-aalayan mo ng kantang 'to!

I stilll remember before that I never ended my day without playing this song in my guitar. This was hell of a song! GREAT SONG... GREAT BAND!!!

TRICIA GARCIA: TABING ILOG

Here's a newcomer in the OPM music scene TRICIA GARCIA and her awesome rendition of Barbie's Cradle 2000 hit, "Tabing Ilog":

...Impressed ako na kahit revival ang kanta, naging very refreshing ang dating dahil sa jazzy style nya. And her voice?--sound's magical! Great job, Tricia!!! =)

Monday, November 14, 2011

GOOD DAY SKABECHE!!!



Ibang klaseng tugtugan naman ang hatid ng bandang SKABECHE, isa sa mangila-ngilang pinoy artists na ska/r
eggae ang genre. Noong 2010, nailabas ang kanilang unang album na may titulong 'TABLE FOR TEN' kung saan ang napagbentahan nito ay napunta sa Earnest Support for Underprivileged Children (E-SUCH), isang non-government organization na nagbibigay tulong sa mga underprivileged kids para sa kanilang pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, damit at edukasyon.

At mula sa naturang album, panoorin ang latest music video nilang "Good Day"...Lakas ng dalang good vibes ng kantang ito! Superlike!!!

HILERA - WHO'S GONNA SAVE US NOW?


Can't get enough of this song by the band HILERA. Great video with great message! Astiiig! Pinaka-favorite ko 'to sa album nilang Kid In A Coma.

When all the papers lie
some people die
some people fight
and some people cry
is love such a crime
its been a long long time
i heard them testify
for a single dime.

Who’s gonna save us now?
it’s been a lonely road.

When all is said and done
still you hold this gun
you never learned to run
oh just let them come
so we stand our ground
we’re never backing down
and when you hear the sound
there’ll be bodies all around.

So wake me up before its over
I wanna see it all in color
waiting till they give the order
say they’ll do someday

TO FOLLOW THIS AWESOME BAND HILERA, VISIT THEIR OFFICIAL WEBSITE HERE!! =)

Saturday, November 12, 2011

KAMIKAZEE: HALIK

One of OPM's hottest rock bands KAMIKAZEE releases a brand new album titled "Romantico". “Kaya 'Romantico' yung title ng album, sinubukan naming love song lahat ng mga kanta du’n,” according to singer Jay Contreras. “Para siyang kuwento ng mga taong, umibig, umiibig, iniwan, nasaktan, at umibig ulit.”
And here's the music video of the carrier single "HALIK" which features actress Kaye Abad.

NEY DIMACULANGAN: LIGAW

Former band vocalist of 6CycleMind, NEY DIMACULANGAN takes a leap in his career as he goes solo. He is now a solo artist under Star Records. And just recently, the music video for his song 'LIGAW' has been released. This track is Ney Dimaculangan’s carrier single from his self-titled debut album.

LIGAW

Sa paglipas ng panahon
ginawa ang makakaya ko
Unti-unting gumaan ang buhay
ngunit sa isang saglit ay naglaho

Chorus:
Bigla na lang nawawala
hindi ko na maunawaan pa
nilalayo ako sa’king isip
Pikit-matang nangangapa
hanggang ngayo’y wala pa ring magawa
nilalaro ang aking isip

Nang dumating ka sa buhay ko
nagbitaw ka ng mga pangako
Hindi naman sinisisi ngunit
wala naman nagkatotoo

Chorus:
Bigla na lang nawawala
hindi ko na maunawaan pa
nilalayo ako sa’king isip
Pikit-matang nangangapa
hanggang ngayo’y wala pa ring magawa
nilalaro ang aking isip

[Instrumental]

Naghahanap ka ng daan
ngunit walang mapatunguhan
Nag-iisip, pinipilit, gumagawa ng paraan
Unti-unting nagagalit,
hanggang ngayo’y nagigipit
Hanggang saan, hanggang kailan
ko makakaya ang ganyan?

Chorus:
Bigla na lang nawawala
hindi ko na maunawaan pa
nilalayo ako sa’king isip
Pikit-matang nangangapa
hanggang ngayo’y wala pa ring magawa
nilalaro ang aking isip

Bigla na lang nawawala
hindi ko na maunawaan pa
Pikit-matang nangangapa
hanggang ngayo’y wala pa rin magawa



NOEL CABANGON: PANAGINIP

One of the Philippines' most respected singer-songwriters around today, NOEL CABANGON is back with a brand new song titled "Panaginip", which also the title of his latest album under Universal Records. Why “Panaginip” as the album title? “Dahil lahat ng kanta ay nagmumula sa imahinasyon. Ang mga awit ay tula, ang mga tula ay awit. Ang mga awit ay likha ng malayang panaginip. Ang panaginip ay likha ng malayang isip,” says Cabangon.
With the new album, Noel Cabangon is once again ready to sing about us and his dreams for all of us. Watch the video below:

Friday, November 11, 2011

KLASSIK OPM #02: ANAK NG PASIG by SMOKEY MOUNTAIN

Mula sa panulat at komposisyon ng batikang si RYAN CAYABYAB, ang kantang "ANAK NG PASIG" ay pinasikat ng grupong SMOKEY MOUNTAIN. Ito ang grupong kinabibilangan noon at kung saan una nating nasilayan sina Geneva Cruz, Tony Lambino at Jeffrey Hidalgo bago pa sila magsolo bilang recording star.

Naging instant hit ang kantang ito dahil sa hatid nitong mensahe na irevive ang sarili nating bersyon ng Dead Sea, ang Pasig River. Ito rin ang naging daan para itatag ni dating Unang Ginang Ming Ramos ang Piso Para Sa Pasig (PPP) upang manghikayat sa mga tao na makiisa sa pagtulong at pagsagip sa pamamagitan ng pagbigay ng kahit anong halaga sa abot nilang makakaya. And the rest is history ika nga, dahil noong 1999, naisilang ang Pasig River Rehabilitation Center (PRRC) na may vision na ipagpatuloy ang proyektong nasimulan ng PPP.

Ang 'Anak Ng Pasig' ay naging Song Of The Year sa Aliw Awards noong 1993.

Thursday, November 10, 2011

CHRISTIAN BAUTISTA: ALL THAT'S LEFT

Sinong may sabi na di marunong sumayaw si CHRISTIAN BAUTISTA? Well tsek nyo na lang kung paano siya humataw sa latest music video nyang "All That's Left" mula sa first international album nyang 'OUTBOUND'.

...of all the music videos of christian bautista, this one is my favorite..Maybe because of alodia's appearance?...how cute are they to be together! =)

"ur eyes take me off to a special space" <------ love this! :)

Wednesday, November 9, 2011

SIAKOL: GAWING LANGIT ANG MUNDO

Hanggang ngayong exposed na ko sa sanda-makmak na bandang lokal at banyaga, nanatiling isa sa mga paborito ko ang bandang 'to. Sa musikang aking kinamulatan at kinalakhan, tara mga 'dre GAWIN NATING LANGIT ANG MUNDO. Peace!


Hindi nila naririnig hinanaing sa barung-barong
Dahil palasyo nilay may matibay na bubong
Hindi nila naririnig mga kumakalam na tyan
Hindi tulad nila ng mesa nilang parang laging may handaan
Ikaw ba? Naririnig mo ba sila ikaw ba?

Chorus
Gawin langit ang mundo makakaya natin to
Sa simula ikaw at ako tapos sila
Hanggang maging lahat na tayo
Oh kay gandang masdan sa bawat taong
Nagugutom at nahihirapan meron kang
Matutulungan gawing langit ang mundo

Wala silang pakiramdam sa nangyayaring kaguluhan
Basta mabulsa lang nila ang kaban ng ating bayan
Wala silang pakiramdam magkaroon man ng digmaan
Kapangyarihan na nilang gawin tayong tao-tauhan
Ikaw ba? Nadarama mo ba ito ikaw ba?

(repeat Chorus)

Habang maaga pa kahit man lang
sa kapakanan ng iba ng mga bata’ng maglalakihan makikinabang sa ating maiiwanan na pagmamahalan

(repeat chorus)




WATCH: KARYLLE AND SOLENN HEUSSAFF's SEXY MUSIC VIDEOS

A few months ago, 'The Kitchen Musical' star KARYLLE released a very sexy and ala-Kesha music video called "OMG", the first track off of 'ROADTRIP'- her fourth studio album.

...this song really rocks! I mean napasayaw talaga ako dito at super HAVEY si Karylle dito as sexy pop star!!!

Model/Actress turned singer SOLENN HEUSSAFF recorded her self titled debut album under MCA Music Philippines along with this super hot hot video "FIRE".

...Solenn has the Jennifer Lopez vibes. Kung mapromote lang to ng todo and with the right material para sa kanya, she can be BIG in the music scene, =)

Monday, November 7, 2011

PAROKYA NI EDGAR: ONE HIT COMBO (featuring GLOC 9)

Dalawa sa paborito kong opm artists ang PAROKYA NI EDGAR at pinoy rapper GLOC 9 ay nagsama sa isang kanta na pinamagatang "One Hit Combo". At hulaan nyo kung sino ang kasama nila sa music video- walang iba kundi ang tv host/actress Paulen Luna! Panoorin ang clip sa ibaba:

...very catchy song. The best COMBO talaga!! =)

Sunday, November 6, 2011

KLASSIK OPM #01: HIMIG NATIN

Ang KLASSIK OPM ay isang featured post sa OPM IDOLS. Ito ay para sa 'oldies but goodies' na mga orihinal na musikang pinoy. Kahit lumipas man ng panahon, ang mga awiting ito y nananatiling nasa kaisipan ng bawat Pilipino. Tsek nyo!! =)

At para sa unang entry, narito ang isang awitin mula sa bandang nag inspire sa mga pinoy rock at buong pinoy music noong dekada 70, tumayo laban sa mga foreign songs para maglabasan ang galing ng talento ng pinoy sa musika at iba pa- ang JUAN DE LA CRUZ BAND at ang kanilang tunay na klasikong kantang pinoy, ang "HIMIG NATIN".

Saturday, November 5, 2011

SAM CONCEPCION: FOREVER YOUNG

Watch teen heartthrob SAM CONCEPCION's music video for his newest single "Forever Young", taken from his new CD of the same title. This track is a revival of the 1984 hit by German band Alphaville.





Thursday, November 3, 2011

CHRISTIAN BAUTISTA released his 1st Int'l album "OUTBOUND"

Pang-international level na talaga si CHRISTIAN BAUTISTA. Pagkatapos ng kanyang Indonesian movie na "A Special Symphony", "The Kitchen Musical" tv series na napapanood sa ilang bansa sa Asya ngayon, heto't lumabas na rin ang kanyang unang int'l album na OUTBOUND under Universal Records. Kakaibang musical style ang ginawa ni Christian sa album na ito dahil nagpaka-fast beat at groovy siya dito, malayong-malayo sa nakasanayan nating ballads/love songs na kinakanta nya.

Sa unang single na "ALL THAT'S LEFT", para kang nakikinig sa isang Gary Valenciano na nilapatan ng boses ni Christian which is great dahil napakarefreshing ang dating at talaga namang mapapasayaw ka sa kantang ito.


Sa music videong ito na "SAKURA", nakipagduet sya sa top Japanese artist named Baby M
.

LIEZL CASTRO: DI KO KAYANG LIMUTIN

Watch LIEZL GARCIA's music video of her single "Di Ko Kayang Limutin" which features real life boyfriend Bugoy Drilon.

This is one of the tracks of the former Pinoy Dream Academy (PDA) scholar's digital album which also consists of the theme song ABS-CBN primetime Korenovela "Pure Love" "Gisingin Ang Puso" and three other tracks. The said tracks are available for download at the Star Records website. =O

Tuesday, November 1, 2011

ANNE CURTIS: TINAMAAN AKO

Here's ANNE CURTIS' original song 'Tinamaan Ako', from her successful debut album ANNEBISYOSA. Listen at your own risk.

The album attributes her personal favorite songs along with a duet with Sarah Geronimo, released under Viva Records. =)