Tuesday, January 28, 2014

PIO BALBUENA: MISMO FEAT. MAYONAISE

Pagkatapos makipagduet si PIO BALBUENA kay Legendary OPM folk artist Lolita Carbon ng Asin, ngayon naman ay nakipagtambal siya sa isa sa mga nangungunang alternative-rock band, ang MAYONAISE para sa music video ng kanyang bagong single na pinamagatang "Mismo".  Panoorin ang music clip sa ibaba:

Sunday, January 26, 2014

BARBIE ALMALBIS: SAY GOODBYE (TOWER SESSIONS)

...great new track coming from BARBIE ALMAMBIS! Nakaka-refresh ng feeling na muling marinig ang boses nya. Thank you Tower Sessions for this vid!! 
* * * * *

Saturday, January 25, 2014

ITCHYWORMS: AYOKONG TUMANDA

Like na like ko ang bagong single ng ITCHYWORMS na "Ayokong Tumanda"...Catchy hooks at easy to recall ang lyrics na talaga namang pasok sa panlasang pinoy. Ang kantang ito ay sinulat at kinompost nina Jugs Jugueta at Jaz Nicolas, na hango din sa bago nilang album AFTER ALL THIS TIME
* * * * * *

DAVEY LANGIT: SELFIE SONG (FEAT. JAMICH)

Unti-unti na ring nakikilala ang dating Pinoy Dream Academy contestant (kung saan grand winner si Yeng Constantino) na si DAVEY LANGIT. Ang kanyang kantang "Selfie Song" ay hit na hit ngayon sa social media particularly sa Youtube kung saan mahigit 2 million hits na ito in just 3 months!! 

Super catchy at talaga namang napapanahon dahil nga ay usong-uso ngayon ang pagse-selfie o hilig mong pagpicture sa sarili via celphone.

PAROKYA NI EDGAR: ANG PAROKYA (FEAT. GLOC 9 AND FRANK MAGALONA)

Di napigilan ng scandal o anumang kontrobersiya si Chito Miranda at ang kanyang bandang PAROKYA NI EDGAR sa patuloy na pamamayagpag ng kanilang musika. Sa bago nilang album na BENTE, ang carrier single na "Ang Parokya" ay isa sa mga chart topper ngayon sa iba't ibang radio stations at sa Pinoy Myx chart. 

Panoorin ang music video ng "Ang Parokya" kung saan guest vocals sina Gloc 9 at Frank Magalona.

BASILYO: WALANG KWENTANG KANTA

Last year, sumikat ng husto sa opm music scene ang BASILYO dahil sa kanilang kantang "Lord Patawad" na talaga namang hit na hit sa masang pinoy. At sinundan yan ng kanilang bagong single na pinamagatang "Walang Kwentang Kanta"...What do u think of the song guys? Isa ba itong musical creativity on the part of the artist/composer or literal na wala talaga? Comments naman po kau jan pag may time...:D

BANDA NI KLEGGY: BAWAL NA GAMOT

Lumabas na ang ikalawang music video ng BANDA NI KLEGGY, ang "Bawal Na Gamot". Ito ay mula pa rin sa kanilang Only In The Philippines album under Universal Records.

ABRA: MIDAS (FEAT. JAQ DIONISIO)

Fliptop sensation ABRA is back with a new music video "Midas" featuring Jaq Dionisio of Kiss Jane. Watch the music clip below:

Friday, January 24, 2014

MIDNIGHT MEETINGS: SANA DALAWA ANG PUSO KO

...nice attempt for MIDNIGHT MEETINGS to cover an opm classic! Beautiful Voice and a beautiful face..what more could we ask for?
* * * * * * * *

ANGELINE QUINTO: HANGGANG KAILAN KITA MAMAHALIN

Pakinggan ang napakagandang awitin mula kay ANGELINE QUINTO, ang "Hanggang Kailan Kita Mamahalin" na siyang theme song ng pinakaaabangang Kapamilya teleserye, The Legal Wife.

Wednesday, January 22, 2014

SARAH GERONIMO: TAYO

Sa unang ratsada ng OPM IDOLS ngayong 2014, pambungad ang pinakabagong music video ni SARAH GERONIMO, ang "Tayo" na hango sa kanyang latest album Expressions. Concept and video directed by Avid Liongoren.